Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 118:20-24

Mga Awit 118:20-24 RTPV05

Pasukan ni Yahweh ang pintuang ito; tanging makakapasok ay matuwid na tao! Aking pinupuri ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan, dininig mo ako't pinapagtagumpay. Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ni Yahweh at ito'y kahanga-hangang pagmasdan. O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!