Mga Awit 118:20-24
Mga Awit 118:20-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pasukan ni Yahweh ang pintuang ito; tanging makakapasok ay matuwid na tao! Aking pinupuri ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan, dininig mo ako't pinapagtagumpay. Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ni Yahweh at ito'y kahanga-hangang pagmasdan. O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!
Mga Awit 118:20-24 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang pintuan ng PANGINOON na ang mga matuwid lang ang makakapasok. Magpapasalamat ako sa inyo PANGINOON, dahil sinagot nʼyo ang aking dalangin. Kayo ang nagligtas sa akin. Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging batong panulukan. Ang PANGINOON ang may gawa nito at tunay na kahanga-hanga sa ating paningin. Ito ang araw na ginawa ng PANGINOON, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.
Mga Awit 118:20-24 Ang Biblia (TLAB)
Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid. Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan. Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
Mga Awit 118:20-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pasukan ni Yahweh ang pintuang ito; tanging makakapasok ay matuwid na tao! Aking pinupuri ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan, dininig mo ako't pinapagtagumpay. Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ni Yahweh at ito'y kahanga-hangang pagmasdan. O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!
Mga Awit 118:20-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; Papasukan ng matuwid. Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan. Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay Ay naging pangulo sa sulok. Ito ang gawa ng Panginoon: Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.