Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 118:20-24

Salmo 118:20-24 ASD

Ito ang pintuan ng PANGINOON na ang mga matuwid lang ang makakapasok. Magpapasalamat ako sa inyo PANGINOON, dahil sinagot nʼyo ang aking dalangin. Kayo ang nagligtas sa akin. Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging batong panulukan. Ang PANGINOON ang may gawa nito at tunay na kahanga-hanga sa ating paningin. Ito ang araw na ginawa ng PANGINOON, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.