Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit panatag ang matuwid, ang katulad ay leon. Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala, ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa. Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiil ay tulad ng ulang sumisira sa pananim. Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas, ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan. Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan. Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral, ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang. Ang kayamanang natamo sa pamamagitan ng patubuan ay mauuwi sa maawain at matulungin sa nangangailangan. Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam. Ang tumutukso sa mabuti upang magpakasama ay mabubulid sa sariling pakana, ngunit ang taong may tapat na pamumuhay ay magmamana ng maraming kabutihan. Ang palagay ng mayaman ay marunong siya, ngunit ang mahirap na may unawa ay mabuti pa sa kanya. Kapag matuwid ang nasa kapangyarihan, ang lahat ay nagdiriwang, ngunit kung ang pumalit ay masama, lahat ay nasa taguan. Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi. Mapalad ang taong sumusunod sa ating Diyos, ngunit ang matigas ang ulo ay mapapahamak.
Basahin Mga Kawikaan 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 28:1-14
1 Week
Learn what the Bible says about boldness and confidence. The "Courage" Reading Plan encourages believers with reminders of who they are in Christ and in God's kingdom. When we belong to God, we're free to approach Him directly. Read again – or maybe for the first time – assurances that your place in God's family is secure.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas