Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao, nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon. Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.
Basahin Mga Taga-Filipos 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Filipos 2:1-13
4 na araw
Ang ating buhay espirituwal ay gaya ng halaman na lumalago at namumunga. Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa ating paglago kay Kristo.
5 Days
When a crisis happens in our world, it’s easy to question our faith, and it’s hard to replace the panic we face with the peace we’re promised as Jesus-followers. In this 5-day Bible Plan accompanying Pastor Craig Groeschel’s series, Not Afraid, we’ll discover three things we can do as Christians in the face of a crisis.
These are unprecedented times for those of us who are alive on planet earth at this moment. Historically, we can find hope if we turn to the One who made it all and is Lord of all. What does the Bible say about why these things happen, what is God’s response to it, and what is my hope in life and death?
Too many have taken marriage into their own hands, even Christians, in trying to navigate through this relationship system that God designed. Marriage was not meant to be hard, miserable, or sad but the exact opposite. For couples to truly experience marriage God's way, they must include him. In this devotional, Treal Ravenel takes you on a journey of how to do marriage God's way.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas