Kaya't nagpadala ako ng mga sugo para sabihin sa kanila, “Mahalaga ang aking ginagawa rito kaya hindi ako makakapunta riyan. Hindi ko maaaring ipatigil ang trabaho rito para makipagkita lamang sa inyo.” Apat na beses nila akong inanyayahan at apat na beses ko rin silang tinanggihan. Sa ikalimang pagkakataon ay inanyayahan akong muli ni Sanbalat sa pamamagitan ng isang bukás na liham na ganito ang mensahe: “Balitang-balita sa iba't ibang bansa at pinapatunayan ni Gesem na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak maghimagsik, kaya itinatayo mong muli ang pader. May balita pang gusto mong maging hari. Sinasabi pang may mga propeta kang inutusan upang ipahayag sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na alam na ito ng hari, kaya pumarito ka agad at pag-usapan natin ang bagay na ito.” Ito naman ang sagot ko, “Walang katotohanan ang mga pinagsasasabi mo. Gawa-gawa mo lamang ang mga iyan.” Tinatakot nila kami upang itigil ang gawain. Nanalangin ako, “O Diyos, palakasin po ninyo ako.”
Basahin Nehemias 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Nehemias 6:3-9
5 Days
Do you ever feel like you don’t enjoy anything because you’re trying to do everything? Multitasking your way through life with your loved ones. . .You’re efficient. But you’re exhausted. You just need a little bit of breathing room. With one surprisingly simple invitation, God offers a way to trade your overwhelming pace for one that will finally bring you peace. This plan will show you how.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas