Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 53:5-10

Isaias 53:5-10 RTPV05

Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap. “Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay tupang nakatakdang patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan, at hindi umiimik kahit kaunti man. Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay, wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan. Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan. Siya'y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman, kahit na siya'y walang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan.” Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala.