“Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal, at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto. Ngunit habang siya'y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo. Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal, at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan. Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, inakay ko siya sa kanyang paghakbang; ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa kanya. Pinatnubayan ko siya nang buong pagmamalasakit at nang buong pagmamahal. Ang katulad ko'y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig, at yumuko ako upang sila'y mapakain. “Magbabalik sila sa Egipto, at paghaharian ng Asiria, sapagkat ayaw nilang magbalik sa akin. Lulusubin ng kaaway ang kanilang mga lunsod, wawasakin ang pampinid sa kanilang mga pinto, at lilipulin sila sa loob ng kanilang mga kuta. Ang bayan ko'y nagpasya nang tumalikod sa akin; kaya't sa pamatok sila'y itinakda, at walang sinumang makakapag-alis nito.
Basahin Hosea 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Hosea 11:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas