Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hosea 11

11
Ang Pag-ibig ng Diyos sa Rebelde Niyang Bayan
1“Nang#Exo. 4:22; Mt. 2:15. bata pa ang Israel, siya'y aking minahal,
at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.
2Ngunit habang siya'y tinatawag ko,
lalo naman siyang lumalayo.
Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal,
at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan.
3Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad,
inakay ko siya sa kanyang paghakbang;
ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa kanya.
4Pinatnubayan ko siya nang buong pagmamalasakit
at nang buong pagmamahal.
Ang katulad ko'y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig,
at yumuko ako upang sila'y mapakain.
5“Magbabalik sila sa Egipto,
at paghaharian ng Asiria,
sapagkat ayaw nilang magbalik sa akin.
6Lulusubin ng kaaway ang kanilang mga lunsod,
wawasakin ang pampinid sa kanilang mga pinto,
at lilipulin sila sa loob ng kanilang mga kuta.
7Ang bayan ko'y nagpasya nang tumalikod sa akin;
kaya't sa pamatok sila'y itinakda,
at walang sinumang makakapag-alis nito.
8“Pababayaan#Deut. 29:23. ba kita, Efraim?
Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel?
Maitutulad ba kita sa Adma?
Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim?
Hindi ito kayang gawin ng puso ko;
kahabagan ko'y nananaig.
9Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot;
Hindi ko na muling sisirain ang Efraim.
Sapagkat ako'y Diyos at hindi tao,
ang Banal na Diyos na nasa kalagitnaan ninyo,
at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin.
10“Susundin nila si Yahweh;
siya'y uungal na parang leon,
at mula sa kanlura'y nanginginig na darating
ang kanyang mga anak na lalaki.
11Nagmamadali silang darating na parang mga ibong mula sa Egipto,
at mga kalapating mula sa Asiria.
Sa kanilang tahana'y ibabalik ko sila,” sabi ni Yahweh.
Hinatulan ang Israel at ang Juda
12Sinabi ni Yahweh, “Nililinlang ako nitong si Efraim,
at dinadaya ako nitong si Israel.
Ang Juda nama'y naghahanap pa rin ng ibang diyos,
at kinakalaban ang Banal at Matapat.

Kasalukuyang Napili:

Hosea 11: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya