Inilagay ng PANGINOONG Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan. Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.” Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng PANGINOONG Yahweh, “Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.” Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang PANGINOONG Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya. Kaya't pinatulog ng PANGINOONG Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki. Sinabi ng lalaki, “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya'y kinuha.” Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa. Kapwa hubad noon ang lalaki at ang babae, ngunit hindi sila nahihiya.
Basahin Genesis 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Genesis 2:15-25
5 Days
As New York pastor Rich Villodas defines it, a deeply formed life is a life marked by integration, intersection, intertwining, and interweaving, holding together multiple layers of spiritual formation. This kind of life calls us to be people who cultivate lives with God in prayer, move toward reconciliation, work for justice, have healthy inner lives, and see our bodies and sexuality as gifts to steward.
Normal means that we uphold a popular standard, yet earth is filled with billions of people who are unique and diverse. Often, normal is the preferred place to “live,” but truly, it’s not always healthy. In this Plan, we’ll study God’s Word about how to go beyond normal living and make changes so that we can live better than normal.
Throughout the Bible, we're called to “be thankful” and “give thanks.” Why? Because we have a lot to be grateful for! We won't become thankful by accident, but with an intentional habit of gratitude, we'll become even better versions of ourselves as we follow Jesus.
Are you experiencing a wilderness season, finding no water or oasis for your soul? What if this season held the greatest hope of all: to know God’s Presence intimately, authentically, and passionately? This devotional encourages you that this time is not wasted, though some days you feel as if you are going nowhere. Because no matter what terrain you tread, God is journeying with you as Comforter, Life-giver, & Friend.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas