Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa kapatid nating si Timoteo: Para sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Cristo. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama. Tuwing ipapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Nabalitaan namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang ng Diyos, dahil sa pag-asang makakamtan ninyo na inihanda para sa inyo doon sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa pag-asang ito nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na dumating sa inyo. Ito'y lumalaganap at nagdadala ng pagpapala sa buong daigdig, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig at maunawaan ninyo ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. Natutunan ninyo ito kay Epafras, ang aming kamanggagawa, isang tapat na lingkod ni Cristo at kinatawan ninyo. Sa kanya namin nalaman ang tungkol sa pag-ibig na ipinagkaloob sa inyo ng Espiritu. Kaya't mula nang marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na sana'y ipaunawa niya sa inyo nang lubusan ang kanyang kalooban, sa pamamagitan ng karunungan at pang-unawang kaloob ng Espiritu. Sa gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa lahat ng uri ng mabubuting gawa, at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos. Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay. Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, na nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.
Basahin Mga Taga-Colosas 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Colosas 1:1-14
11 Araw
"Panatilihing unahin si Jesus" ang pokus ng liham sa mga taga-Colosas, na nag-aalok ng tulong sa kung paano lumakad nang buong pagkakakilanlan kasama si Kristo. Araw-araw na paglalakbay sa Colosas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
30 Days
Have you ever wondered, “Is it possible to experience joy in all seasons of life?” Carol McLeod believes that God has an enormous joy for you that is within your reach. In this devotional, you will discover how to trust God when life isn’t fair, how to ponder Scripture that transforms your thinking and how to turn disappointment into a heart that rejoices in the middle of uncertainty.
15 Days
If you’re new to Jesus, new to the Bible, or helping a friend who is - Start Here. For the next 15 days, these 5-minute audio guides will walk you step-by-step through two fundamental Bible books: Mark and Colossians. Track Jesus’ story and discover the basics of following Him, with daily questions for individual reflection or group discussion. Follow once to get started, then invite a friend and follow again!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas