Mula kay Pablo na apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin kay Timoteo na ating kapatid, Sa mga hinirang ng Diyos na nasa Colosas, mga matatapat na kapatirang nakay Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama. Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa tuwing nananalangin kami para sa inyo. Sapagkat nabalitaan namin ang pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus at ang pag-ibig nʼyo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos, ang pananalig at pag-ibig na nagmumula sa pag-asang may nakalaan sa inyo sa langit. Ang pag-asang itoʼy una ninyong narinig nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita. At ang Magandang Balitang itoʼy lumalaganap at lumalago sa buong mundo, katulad ng nangyari sa inyo noong una ninyong marinig at maunawaan ang katotohanan tungkol sa biyaya ng Diyos. Natutunan nʼyo ito kay Epafras na minamahal namin at kapwa lingkod ng Panginoon. Isa siyang tapat na lingkod ni Kristo, at pumunta siya diyan bilang kinatawan namin. Siya ang nagbalita sa amin tungkol sa pag-ibig nʼyo na ibinigay ng Espiritu. Kaya nga, mula nang mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, hindi kami tumigil sa pagdarasal para sa inyo. Hinihiling namin sa Diyos na bigyan nawa kayo ng karunungan at pang-unawang mula sa Espiritu upang lubusan ninyong malaman ang kalooban niya. Sa ganoon, makakapamuhay kayo nang karapat-dapat at kalugod-lugod sa Panginoon sa lahat ng bagay. At makikita na lumalago kayo sa mabubuting gawa at sa pagkakakilala sa Diyos. Nawaʼy palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, upang matagalan at matiis ninyo ang lahat ng bagay nang may kagalakan. At makapagpapasalamat din kayo sa Ama. Ginawa niya kayong karapat-dapat na makibahagi sa mamanahin ng mga hinirang niyang namumuhay sa kaliwanagan. Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.
Basahin Mga Taga-Colosas 1
Makinig sa Mga Taga-Colosas 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Colosas 1:1-14
11 Araw
"Panatilihing unahin si Jesus" ang pokus ng liham sa mga taga-Colosas, na nag-aalok ng tulong sa kung paano lumakad nang buong pagkakakilanlan kasama si Kristo. Araw-araw na paglalakbay sa Colosas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
15 Days
If you’re new to Jesus, new to the Bible, or helping a friend who is - Start Here. For the next 15 days, these 5-minute audio guides will walk you step-by-step through two fundamental Bible books: Mark and Colossians. Track Jesus’ story and discover the basics of following Him, with daily questions for individual reflection or group discussion. Follow once to get started, then invite a friend and follow again!
30 Days
Have you ever wondered, “Is it possible to experience joy in all seasons of life?” Carol McLeod believes that God has an enormous joy for you that is within your reach. In this devotional, you will discover how to trust God when life isn’t fair, how to ponder Scripture that transforms your thinking and how to turn disappointment into a heart that rejoices in the middle of uncertainty.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas