Iniwan na ako ni Demas dahil sa pagkahumaling niya sa sanlibutan; pumunta siya sa Tesalonica. Si Cresente naman ay nagpunta sa Galacia, at si Tito sa Dalmacia. Si Lucas na lamang ang kasama ko rito. Hanapin mo si Marcos at isama mo rito, sapagkat malaki ang maitutulong niya sa aking mga gawain. Pinapunta ko sa Efeso si Tiquico. Pagpunta mo rito, dalhin mo ang aking damit na iniwan ko sa Troas sa bahay ni Carpo. Dalhin mo rin ang mga aklat ko, lalo na iyong mga gawa sa balat. Napakasama ng ginawa sa akin ni Alejandrong panday. Ang Panginoon ang magpaparusa sa kanya ayon sa kanyang ginawa. Mag-ingat ka sa kanya, sapagkat tutol na tutol siya sa ipinapangaral natin. Sa unang pagharap ko sa hukuman ay walang sumama sa akin; pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos. Ngunit sinamahan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang makapangaral nang lubusan sa lahat ng Hentil, at ako'y naligtas sa tiyak na kamatayan.
Basahin 2 Timoteo 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Timoteo 4:10-17
8 Araw
Ang ikalawang liham kay Timoteo ay tumatawag sa mga tao ng diyos na manindigan para sa salita ng Diyos, bantayan ito, ipangaral ito, at kung kinakailangan, magdusa para dito. Araw-araw na paglalakbay sa 2 Timoteo habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas