Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y tinatanggap na ninyo ang kanyang habag. Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang masasamang hilig ng katawan na naghihimagsik laban sa inyong kaluluwa. Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na pinaparatangan nila kayo ng masama, kapag nakita nila ang inyong mabubuting gawa ay magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang paghuhukom.
Basahin 1 Pedro 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Pedro 2:10-12
5 Mga Araw
Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.
5 araw
Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)
6 Days
We hope that this reading plan will inspire you to go on a journey in cultivating the fruit of patience in your life. In the past few years we have found that even though circumstances are not always pleasant, God will use them to mold our character. What He desires is for us to approach these trials with a Godly sense of patience.
7 Araw
Sa simula ng bawat taon, maglaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Sa panahong ito, tingnan natin kung paano tayo tinawag ng Diyos na tanggapin ang Kanyang biyaya upang tayo ay maging banal at mamuhay para kay Cristo.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas