sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong kaligtasan. Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa kaloob na nakalaan sa inyo. Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita ng Diyos sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo sa kanila mula sa langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito. Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.”
Basahin 1 Pedro 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Pedro 1:9-16
5 araw
Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)
7 Days
AJ Dela Fuente was a successful talent coach and director in theatre and television, nasa kanya na halos ang lahat until greed and poor financial decisions landed him sa isang kulungan sa Singapore sa loob ng dalawang taon. Stripped of his success and influence, AJ found true freedom in Christ sa kulungan.
Christmas is supposed to be a season of joy –– but what exactly is joy and how do you choose it when the world is filled with hurt and hardship? Discover what “joy to the world” really means by immersing yourself in the Christmas story with this special, 7-day Christmas Plan.
We may not always see or feel it, but God is always with us... even when we're going through hard things. In this plan, Finding Hope Coordinator Amy LaRue writes from the heart about her own family's struggle with addiction and how God's joy broke through in their darkest times.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas