Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Pedro 1:9-16

1 Pedro 1:9-16 ASD

dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan. Ang kaligtasang itoʼy pinagsikapang saliksikin ng mga propeta noon. Sila ang nagpahayag tungkol sa kaloob na ito ng Diyos sa atin. Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Kristo na nasa kanila, na maghihirap ang Mesias bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari. Ipinahayag din sa kanila na ang mga bagay na ipinaalam nila ay hindi para sa ikabubuti nila kundi para sa inyo. At ngayon, napakinggan nʼyo na sa mga nangangaral ng Magandang Balita ang mga ipinahayag nila. Nagsalita sila sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung sinugo sa kanila mula sa langit. Kahit ang mga anghel noon ay nagnais na maunawaan ang Magandang Balitang ito na ipinangaral sa inyo. Kaya palagi ninyong ihanda ang inyong isipan na gawin ang kalooban ng Diyos. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Hesu-Kristo. Bilang masunuring mga anak ng Diyos, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Diyos. Banal ang Diyos na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Pedro 1:9-16