MGA AWIT 33:6-9
MGA AWIT 33:6-9 ABTAG
Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig. Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan. Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya. Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
![Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala] MGA AWIT 33:6-9 Ang Biblia (1905/1982)](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19924%2F1440x810.jpg&w=3840&q=75)

