Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay; Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman; Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, At nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan, Na mga liko sa kanilang mga lakad, At mga suwail sa kanilang mga landas: Upang iligtas ka sa masamang babae, Sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, At lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios: Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, At ang kaniyang mga landas na sa patay: Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, Ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay: Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, At maingatan ang mga landas ng matuwid. Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, At ang sakdal ay mamamalagi roon. Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, At silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.
Basahin MGA KAWIKAAN 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 2:12-22
28 Days
Do you feel overwhelmed, dissatisfied, and stuck in a rut? Wishing your day-to-day life could improve? God's Word is your guide to brighter days. During this 28-day reading plan, you will discover ways you can go from living just a good life to living the type of better life that God desires you to have.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas