Ililigtas ka nito sa daan ng kasamaan, mula sa mga taong nagsasalita ng masasamang bagay; na nagpapabaya sa mga landas ng katuwiran, upang lumakad sa mga daan ng kadiliman; na nagagalak sa paggawa ng kasamaan, at sa mga kalikuan ng kasamaan ay nasisiyahan; na mga lihis sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas. Sa masamang babae ikaw ay maliligtas, mula sa mapakiapid at sa mga salita niyang binibigkas, na nagpapabaya sa kasamahan ng kanyang kabataan, at ang tipan ng kanyang Diyos ay kanyang kinalilimutan; sapagkat ang kanyang bahay ay lumulubog sa kamatayan, at ang kanyang mga landas tungo sa mga kadiliman; walang naparoroon sa kanya na nakakabalik muli, ni ang mga landas ng buhay ay kanilang nababawi. Kaya't ang lakad ng mabubuting tao ang iyong lakaran, at ang mga landas ng matuwid ang iyong pakaingatan. Sapagkat ang matuwid sa lupain ay mamamalagi, at ang walang sala doon ay mananatili. Ngunit ang masama ay tatanggalin sa lupain, at ang mga taksil doon ay bubunutin.
Basahin MGA KAWIKAAN 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 2:12-22
28 Days
Do you feel overwhelmed, dissatisfied, and stuck in a rut? Wishing your day-to-day life could improve? God's Word is your guide to brighter days. During this 28-day reading plan, you will discover ways you can go from living just a good life to living the type of better life that God desires you to have.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas