Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 13:13-25

MGA KAWIKAAN 13:13-25 ABTAG

Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: Nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin. Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, Upang lumayo sa mga silo ng kamatayan. Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: Nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap. Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: Nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan. Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: Nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan. Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: Nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri. Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: Nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan. Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; Nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara. Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; Nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti. Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; At ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid. Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: Nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan. Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: Nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsanminsan. Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; Nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.