Mga Kawikaan 13:13-25
Mga Kawikaan 13:13-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa sariling kapahamakan, ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan. Ang mga turo ng matalino ay bukal ng buhay, ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan. Ang katalinuhan ay umaani ng paggalang, ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan. Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa, sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa. Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan. Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan. Ang pangarap na natupad ay may dulot na ligaya, ngunit ayaw iwan ng masama ang kasamaan niya. Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo. Ang hinaharap ng masama ay kahirapan sa buhay, ngunit sagana ang pagpapalang sa matuwid ay naghihintay. Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan. Ang bukid ng mahihirap, may pangakong kasaganaan, ngunit ito'y nasasayang dahil sa kawalan ng katarungan. Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang. Ang matuwid ay sagana sa lahat ng kailangan, ngunit ang masama ay palagi namang nagkukulang.
Mga Kawikaan 13:13-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang taong tumatanggi sa turo at utos sa kanya ay mapapahamak, ngunit ang sumusunod dito ay gagantimpalaan. Ang mga turo ng taong matalino ay bukal ng buhay, ilalayo ang tao sa bitag ng kamatayan. Ang taong may mabuting pang-unawa ay iginagalang, ngunit ang taong taksil ay kapahamakan ang kahahantungan. Ang taong maalam, itinatago ang karunungan ngunit ang taong hangal, inilalantad ang kanyang kahangalan. Ang masamang sugo ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mapagkakatiwalaang sugo ay nagpapabuti ng ugnayan. Ang taong ayaw tumanggap ng pangaral ay daranas ng kahirapan at kahihiyan, ngunit ang tumatanggap nito ay pararangalan. Ang pangarap na natupad ay nagdudulot ng ligaya; subalit ang taong hangal ay hindi tumitigil sa paggawa ng masama. Kapag ang lagi mong kasama ay isang taong marunong, magiging marunong ka rin, ngunit kapag hangal ang lagi mong kasama ay mapapahamak ka. Ang kapahamakan ay darating sa mga makasalanan saanman sila magpunta, ngunit ang mga matuwid ay gagantimpalaan ng mabubuting bagay. Ang kayamanan ng mabuting tao ay mamanahin ng kanyang mga apo, ngunit ang kayamanan ng makasalanan ay mapupunta sa matutuwid. Umani man ng sagana ang lupain ng mahihirap, hindi rin sila makikinabang dito dahil sa hindi makatuwirang patakaran ng iba. Ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina ng kanyang anak. Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak itutuwid mo ang kanyang ugali. Ang taong matuwid ay makakakain ng sapat, ngunit ang masasamâ ay magugutom.
Mga Kawikaan 13:13-25 Ang Biblia (TLAB)
Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin. Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, upang lumayo sa mga silo ng kamatayan. Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap. Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan. Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan. Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri. Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan. Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara. Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti. Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid. Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan. Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan. Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.
Mga Kawikaan 13:13-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa sariling kapahamakan, ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan. Ang mga turo ng matalino ay bukal ng buhay, ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan. Ang katalinuhan ay umaani ng paggalang, ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan. Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa, sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa. Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan. Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan. Ang pangarap na natupad ay may dulot na ligaya, ngunit ayaw iwan ng masama ang kasamaan niya. Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo. Ang hinaharap ng masama ay kahirapan sa buhay, ngunit sagana ang pagpapalang sa matuwid ay naghihintay. Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan. Ang bukid ng mahihirap, may pangakong kasaganaan, ngunit ito'y nasasayang dahil sa kawalan ng katarungan. Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang. Ang matuwid ay sagana sa lahat ng kailangan, ngunit ang masama ay palagi namang nagkukulang.
Mga Kawikaan 13:13-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: Nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin. Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, Upang lumayo sa mga silo ng kamatayan. Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: Nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap. Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: Nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan. Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: Nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan. Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: Nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri. Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: Nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan. Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; Nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara. Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; Nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti. Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; At ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid. Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: Nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan. Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: Nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsanminsan. Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; Nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.