Ang humahamak sa salita, sa sarili'y nagdadala ng kapahamakan, ngunit ang gumagalang sa utos ay gagantimpalaan. Ang kautusan ng matalino ay bukal ng buhay, upang makaiwas ang tao sa mga bitag ng kamatayan. Ang mabuting pagpapasiya'y nagbubunga ng pagpapala, ngunit ang lakad ng di-tapat ang kanilang ikasisira. Sa bawat bagay ang matalinong tao ay gumagawang may kaalaman; ngunit ang hangal ay nagkakalat ng kanyang kahangalan. Ang masamang sugo ay naghuhulog sa tao sa kaguluhan, ngunit ang tapat na sugo ay may dalang kagalingan. Kahirapan at kahihiyan ang darating sa nagtatakuwil ng pangaral, ngunit siyang nakikinig sa saway ay pararangalan. Ang pagnanasang natupad ay matamis sa kaluluwa; ngunit kasuklamsuklam sa mga hangal ang humiwalay sa masama. Ang lumalakad na kasama ng matatalino ay magiging matalino rin, ngunit ang kasama ng mga hangal, kapahamakan ang daranasin. Ang kasawian ay humahabol sa mga makasalanan, ngunit ang matuwid ay ginagantimpalaan ng kasaganaan. Ang mabuting tao ay nag-iiwan ng mana sa mga anak ng kanyang mga anak; ngunit ang kayamanan ng makasalanan, para sa matuwid ay nakalagak. Ang binungkal na lupa ng dukha ay maraming pagkaing ibinibigay, ngunit naaagaw iyon dahil sa kawalan ng katarungan. Ang hindi gumagamit ng pamalo ay napopoot sa anak niya, ngunit ang umiibig sa kanya ay matiyagang dumidisiplina. Ang matuwid ay may sapat upang masiyahan, ngunit ang tiyan ng masama ay mangangailangan.
Basahin MGA KAWIKAAN 13
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 13:13-25
28 Days
Do you feel overwhelmed, dissatisfied, and stuck in a rut? Wishing your day-to-day life could improve? God's Word is your guide to brighter days. During this 28-day reading plan, you will discover ways you can go from living just a good life to living the type of better life that God desires you to have.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas