MGA KAWIKAAN 1:23-31
MGA KAWIKAAN 1:23-31 ABTAG
Magsibalik kayo sa aking saway: Narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, At hindi ninyo inibig ang aking saway: Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, At hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng aking payo; Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.



