Mga Kawikaan 1:23-31 - Compare All Versions
Mga Kawikaan 1:23-31 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang payo ko ay pakinggan n'yo at dinggin ang aking pangaral; sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman. Patuloy nga itong mga panawagan ko sa inyo, ngunit hindi ninyo pansin pati mga saway ko. Winalang-bahala n'yo ang aking mga payo, ayaw ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo. Dahil dito, kayo'y aking tatawanan, kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan. Kapag kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay, dinatnan ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan, at kung datnan kayo ng hapis at matinding dalamhati, sa araw na iyon ay di ko papakinggan ang inyong panawagan. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi masusumpungan. Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang. Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala ko. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa, at kayo ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama.
Mga Kawikaan 1:23-31 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko. Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo, sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin, at binalewala ninyo ang lahat ng aking payo at hindi tinanggap ang aking pagsaway. Dahil ditoʼy pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo. Kukutyain ko kayo kapag natatakot kayo, kapag dumating ang kinatatakutan ninyo na parang bagyo, kapag dumaan ang kapahamakan sa inyo na parang ipuipo, at kapag sumapit sa inyo ang hinagpis at gulo. “Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita. Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa PANGINOON. Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo. Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at ng mga binabalak nʼyong masama.
Mga Kawikaan 1:23-31 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang payo ko ay pakinggan n'yo at dinggin ang aking pangaral; sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman. Patuloy nga itong mga panawagan ko sa inyo, ngunit hindi ninyo pansin pati mga saway ko. Winalang-bahala n'yo ang aking mga payo, ayaw ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo. Dahil dito, kayo'y aking tatawanan, kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan. Kapag kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay, dinatnan ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan, at kung datnan kayo ng hapis at matinding dalamhati, sa araw na iyon ay di ko papakinggan ang inyong panawagan. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi masusumpungan. Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang. Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala ko. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa, at kayo ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama.
Mga Kawikaan 1:23-31 TLAB (Ang Biblia)
Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
Mga Kawikaan 1:23-31 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Magsibalik kayo sa aking saway: Narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, At hindi ninyo inibig ang aking saway: Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, At hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng aking payo; Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.