Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon. Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan. Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan. Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin. Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian. At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa Macedonia, alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang; Sapagka't sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan. Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo. Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios. At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Basahin FILIPOS 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: FILIPOS 4:10-20
18 Araw
Ito, "salamat" na sulat para sa mga taga-Filipos ay nagbibigay sa kanila ng isang masayang pananaw sa mga mahihirap na oras na kanilang kinasasangkutan at hinihikayat silang mapagkumbabang lampasan ang mga ito nang sama-sama. Araw-araw na paglalakbay sa Filipos habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
31 Days
The Bible tells us that "in His presence is fullness of joy" and that "the joy of the Lord is our strength". Joy isn't simply another emotion; it is a fruit of the Spirit and one of the best weapons in your arsenal to fight against discouragement, depression, and defeat. Learn what the Bible has to say about joy, and strengthening yourself to become a defiantly joyful Christian.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas