Lubos akong nagagalak sa Panginoon dahil muli ninyong ipinakita ang pagmamalasakit ninyo sa akin. Alam kong palagi kayong nagmamalasakit sa akin, kaya lang wala kayong pagkakataong maipakita ito. Hindi ko sinasabi ito dahil nanghihingi ako ng tulong sa inyo. Sapagkat natutunan kong maging kontento anuman ang kalagayan ko. Marunong akong mamuhay sa hirap o sa ginhawa. Natutunan ko na ang lahat ng ito, kaya maging anuman ang kalagayan ko, busog man o gutom, sagana o salat, kontento pa rin ako. Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin. Ganoon pa man, nagpapasalamat ako dahil tinulungan ninyo ako sa kagipitan ko. Alam naman ninyong mga taga-Filipos na noong umalis ako sa Macedonia at nagsisimula pa lang sa pangangaral ng Magandang Balita, walang ibang iglesya na tumulong sa akin sa mga pangangailangan ko kundi kayo lang. Kahit noong nasa Tesalonica ako, ilang ulit din kayong nagpadala ng tulong sa akin. Sinasabi ko ito, hindi dahil gusto kong makatanggap ulit ng tulong mula sa inyo, kundi dahil gusto kong makatanggap kayo ng mga gantimpala dahil sa kagandahang-loob ninyo. Ngayon, dahil sa tulong na ipinadala ninyo sa akin sa pamamagitan ni Epafrodito, natugunan na ang mga pangangailangan ko at sobra pa nga. Ang tulong ninyo ay tulad ng mabangong handog sa Diyos na tinatanggap niya nang may kasiyahan. At dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus, ibibigay sa inyo ng aking Diyos ang lahat ng pangangailangan ninyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya. Purihin natin ang ating Diyos at Ama magpakailanman. Amen.
Basahin Mga Taga-Filipos 4
Makinig sa Mga Taga-Filipos 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Filipos 4:10-20
18 Araw
Ito, "salamat" na sulat para sa mga taga-Filipos ay nagbibigay sa kanila ng isang masayang pananaw sa mga mahihirap na oras na kanilang kinasasangkutan at hinihikayat silang mapagkumbabang lampasan ang mga ito nang sama-sama. Araw-araw na paglalakbay sa Filipos habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
31 Days
The Bible tells us that "in His presence is fullness of joy" and that "the joy of the Lord is our strength". Joy isn't simply another emotion; it is a fruit of the Spirit and one of the best weapons in your arsenal to fight against discouragement, depression, and defeat. Learn what the Bible has to say about joy, and strengthening yourself to become a defiantly joyful Christian.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas