Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 7:14-18

MGA TAGA ROMA 7:14-18 ABTAG01

Sapagkat nalalaman natin na ang kautusan ay espirituwal, ngunit ako'y makalaman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan. Sapagkat ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman; sapagkat ang hindi ko nais ang ginagawa ko; subalit ang kinapopootan ko, iyon ang ginagawa ko. Ngunit kung ang hindi ko nais ang siya kong ginagawa, sumasang-ayon ako na mabuti ang kautusan. Subalit ngayo'y hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Sapagkat nalalaman ko na walang mabuti na nananatili sa akin, samakatuwid ay sa aking laman. Ang pagnanais ng mabuti ay nasa akin, subalit hindi ko iyon magawa.