Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 7:14-18

Mga Taga-Roma 7:14-18 ASD

Alam nating ang Kautusan ay espirituwal; ngunit akoʼy tao lamang, at alipin ng kasalanan. Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabubuting bagay na gusto kong gawin, sa halip, ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. At kung ayaw ko ang mga ginagawa kong masama, ibig sabihin nitoʼy sumasang-ayon ako na tama nga ang sinasabi ng Kautusan. Kaya hindi talaga ako ang gumagawa ng masama, kundi ang kasalanang likas sa akin. Alam kong walang mabuti sa akin; ang tinutukoy ko ay ang makasalanan kong pagkatao, dahil kahit gusto kong gumawa ng mabuti, hindi ko ito magawa.