Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 5:7-14

MGA KAWIKAAN 5:7-14 ABTAG01

Ngayon nga, mga anak, sa akin kayo'y makinig, at huwag kayong lumayo sa mga salita ng aking bibig. Ilayo mo sa kanya ang iyong daan, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kanyang bahay; baka ibigay mo ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga walang awa. Baka mga dayuhan ang magtamasa sa iyong kayamanan, at mapunta sa bahay ng di-kilala ang iyong pinagpaguran. At ikaw ay manangis sa katapusan ng iyong buhay, kapag naubos ang iyong laman at katawan. At iyong sasabihin, “Tunay na ang pangaral ay aking kinamuhian, at hinamak ng aking puso ang pagsaway! Hindi ko sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, o ikiniling ko man ang aking pandinig sa aking mga guro. Ako'y nasa bingit ng lubos na kapahamakan, sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.”