Mga Kawikaan 5:7-14
Mga Kawikaan 5:7-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga, aking anak, sa akin ay makinig, huwag lilimutin, salita ng aking bibig. Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay, ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay. Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba, sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga. Ang yaman mo'y uubusin ng taong di mo kilala, mga pinagpaguran mo, makikinabang ay iba. Kung magkagayon, wakas mo ay anong saklap, walang matitira sa iyo kundi buto't balat. Dito mo nga maiisip: “Dangan kasi'y di ko pansin ang kanilang pagtutuwid, puso ko ay nagmatigas, sinunod ang aking hilig. Ang tinig ng aking guro ay hindi ko dininig, sa kanilang katuruan, inilayo ang pakinig. At ngayon ay narito ang abâ kong kalagayan, isang kahihiyan sa ating lipunan.”
Mga Kawikaan 5:7-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya mga anak, pakinggan ninyo ako at sundin. Lumayo kayo sa babaeng masama, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kanyang bahay. Dahil baka masira ang inyong dangal at mapunta sa iba, at mamatay kayo sa kamay ng mga taong walang awa. At ang lahat ng kayamanan ninyo at ang inyong mga pinagpaguran ay mapupunta sa iba, sa mga taong hindi ninyo kilala. Saka kayo mananangis kapag malapit na kayong mamatay, kapag butoʼt balat na lamang at wala nang lakas. Saka ninyo sasabihin, “Sayang hindi ko kasi pinansin ang mga pagtutuwid sa akin; nagmatigas ako at sinunod ang gusto ko. Hindi ako nakinig sa aking mga guro, at hindi nagbigay-pansin sa aking mga tagapayo. Kaya ngayon, narito ako sa gitna ng kapahamakan at kahihiyan.”
Mga Kawikaan 5:7-14 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig. Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay: Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik: Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid; At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw, At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway: Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin! Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.
Mga Kawikaan 5:7-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya nga, aking anak, sa akin ay makinig, huwag lilimutin, salita ng aking bibig. Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay, ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay. Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba, sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga. Ang yaman mo'y uubusin ng taong di mo kilala, mga pinagpaguran mo, makikinabang ay iba. Kung magkagayon, wakas mo ay anong saklap, walang matitira sa iyo kundi buto't balat. Dito mo nga maiisip: “Dangan kasi'y di ko pansin ang kanilang pagtutuwid, puso ko ay nagmatigas, sinunod ang aking hilig. Ang tinig ng aking guro ay hindi ko dininig, sa kanilang katuruan, inilayo ang pakinig. At ngayon ay narito ang abâ kong kalagayan, isang kahihiyan sa ating lipunan.”
Mga Kawikaan 5:7-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, At huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig. Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, At huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay: Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, At ang iyong mga taon sa mga mabagsik: Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; At ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid; At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, Pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw, At iyong sabihin, Bakit ko kinayamutan ang turo, At hinamak ng aking puso ang saway: Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin! Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan Sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.