Pakinggan ninyo ngayon ang sinasabi ng PANGINOON: Bumangon ka, ipaglaban mo ang iyong usapin sa harapan ng mga bundok, at hayaang marinig ng mga burol ang iyong tinig. Pakinggan ninyo, kayong mga bundok, ang usapin ng PANGINOON, at kayong matitibay na pundasyon ng lupa; sapagkat ang PANGINOON ay may usapin laban sa kanyang bayan, at siya'y makikipagtalo sa Israel. “O bayan ko, anong ginawa ko sa iyo? Sa ano kita pinagod? Sagutin mo ako! Sapagkat ikaw ay aking iniahon mula sa lupain ng Ehipto, at tinubos kita mula sa bahay ng pagkaalipin; at aking sinugo sa unahan mo sina Moises, Aaron, at Miriam. O bayan ko, alalahanin mo kung ano ang isinasagawa ni Balak na hari ng Moab, at kung ano ang isinagot sa kanya ni Balaam na anak ni Beor; at kung ano ang nangyari mula sa Shittim hanggang sa Gilgal, upang iyong malaman ang mga matuwid na gawa ng PANGINOON.”
Basahin MIKAS 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MIKAS 6:1-5
17 Araw
Ang ikalawang liham na ito mula kay Juan ay tumutulong sa isang mapagbigay na babae, at isang lokal na simbahan, na malaman kung paano ipahayag ang pag-ibig sa loob ng mga hangganan ng katotohanan. Araw-araw na paglalakbay sa 2 John habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas