Mikas 6:1-5
Mikas 6:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pakinggan ninyo ang paratang ni Yahweh laban sa Israel. Tumayo kayo, O Yahweh, at ilahad ninyo ang inyong paratang. Hayaan ninyong marinig ng mga bundok at ng mga burol ang inyong sasabihin. Mga bundok, mga di natitinag na pundasyon ng daigdig, pakinggan ninyo ang paratang ni Yahweh laban sa Israel na kanyang bayan. Sinabi niya, “Bayan ko, sagutin ninyo ako. Ano ba ang nagawa ko sa inyo? Paano ba ako naging pabigat sa inyo? Inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto at tinubos sa pagkaalipin. Isinugo ko sa inyo sina Moises, Aaron at Miriam upang kayo'y pangunahan. Bayan ko, gunitain ninyo ang plano ni Balac na hari ng Moab, at ang tugon sa kanya ni Balaam na anak ni Beor, at ang nangyari mula sa Sitim hanggang sa Gilgal. Alalahanin ninyo ang mga ito at malalaman ninyo ang ginawa ni Yahweh upang iligtas kayo.”
Mikas 6:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pakinggan ninyo ang sinasabi ng PANGINOON: “Tumindig kayo at ilahad ang inyong kaso; iparinig ninyo sa mga bundok at mga burol ang inyong reklamo. “At kayong mga bundok na matitibay na pundasyon ng mundo, pakinggan ninyo ang paratang ng PANGINOON laban sa mga Israelita na kanyang mga mamamayan. “Mga mamamayan ko, ano ang nagawa kong kasalanan sa inyo? Pinahirapan ko ba kayo? Sagutin ninyo ako. Inilabas ko kayo mula sa Ehipto at iniligtas kayo sa lupain ng pagkaalipin. At pinili ko sina Moises, Aaron at Miriam upang pangunahan kayo. Mga mamamayan ko, alalahanin din ninyong sinugo ni Haring Balak ng Moab si Balaam na anak ni Beor upang sumpain kayo. Ngunit pinagsalita ko si Balaam ng mga pagpapala sa inyo. Alalahanin ninyo ang inyong paglalakbay mula Shitim hanggang Gilgal kung saan ipinakita sa inyo ang aking katapatan. Alalahanin ninyo ang mga pangyayaring ito upang malaman ninyong iniligtas kayo ng PANGINOON.”
Mikas 6:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon: Bumangon ka, makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok, at dinggin ng mga burol ang iyong tinig. Dinggin ninyo, Oh ninyong mga bundok, ang usap ng Panginoon, at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may usap sa kaniyang bayan, at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel. Oh bayan ko, anong ginawa ko sa iyo? at sa ano kita pinagod? sumaksi ka laban sa akin. Sapagka't ikaw ay aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin; at aking sinugo sa unahan mo si Moises, si Aaron, at si Miriam. Oh bayan ko, alalahanin mo ngayon kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo mula sa Sittem hanggang sa Gilgal, upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.
Mikas 6:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pakinggan ninyo ang paratang ni Yahweh laban sa Israel. Tumayo kayo, O Yahweh, at ilahad ninyo ang inyong paratang. Hayaan ninyong marinig ng mga bundok at ng mga burol ang inyong sasabihin. Mga bundok, mga di natitinag na pundasyon ng daigdig, pakinggan ninyo ang paratang ni Yahweh laban sa Israel na kanyang bayan. Sinabi niya, “Bayan ko, sagutin ninyo ako. Ano ba ang nagawa ko sa inyo? Paano ba ako naging pabigat sa inyo? Inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto at tinubos sa pagkaalipin. Isinugo ko sa inyo sina Moises, Aaron at Miriam upang kayo'y pangunahan. Bayan ko, gunitain ninyo ang plano ni Balac na hari ng Moab, at ang tugon sa kanya ni Balaam na anak ni Beor, at ang nangyari mula sa Sitim hanggang sa Gilgal. Alalahanin ninyo ang mga ito at malalaman ninyo ang ginawa ni Yahweh upang iligtas kayo.”
Mikas 6:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)