Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 18:11-15

MATEO 18:11-15 ABTAG01

Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang iligtas ang nawala.] Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may sandaang tupa, at isa sa kanila ay naligaw. Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa kabundukan, at hahayo upang hanapin ang naligaw? At kung matagpuan niya ito ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, magagalak siya rito nang higit kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Kaya't hindi kalooban ng inyong Ama na nasa langit na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak. “Kung magkasala laban sa iyo ang iyong kapatid, pumaroon ka at sabihin mo sa kanya ang kanyang pagkakamali kapag kayong dalawa lamang. Kung pakinggan ka niya, ay napanumbalik mo ang iyong kapatid.