Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 18:11-15

Mateo 18:11-15 ASD

Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo para iligtas ang mga naliligaw.] “Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isang daang tupa at nawala ang isa, hindi baʼt iiwan niya ang siyamnapuʼt siyam sa burol at hahanapin ang nawawala? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kapag nakita na niya ang nawalang tupa, mas matutuwa pa siya rito kaysa sa siyamnapuʼt siyam na hindi nawala. Ganito rin naman ang nararamdaman ng inyong Amang nasa langit. Ayaw niyang mapahamak ang kahit isa sa maliliit na batang ito. “Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik ang inyong magandang samahan.