Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 17:22-27

MATEO 17:22-27 ABTAG01

Habang sila'y nagkakatipon sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang Anak ng Tao ay malapit nang ipagkanulo sa kamay ng mga tao. Siya'y papatayin nila ngunit siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw.” At sila'y labis na nalungkot. Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis na kalahating siklo, at sinabi nila, “Hindi ba nagbabayad ng buwis sa templo ang inyong guro?” Sinabi niya, “Oo, nagbabayad siya.” At nang dumating siya sa bahay, inunahan na siya ni Jesus tungkol dito, na sinasabi, “Ano sa palagay mo, Simon? Kanino naniningil ng bayad o buwis ang mga hari sa lupa? Sa kanila bang mga anak o sa ibang tao?” Kaya't nang sabihin niya, “Sa ibang tao,” ay sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayo'y hindi na pinagbabayad ang mga anak. Ngunit upang hindi sila matisod sa atin, pumunta ka sa dagat at maghulog ka ng bingwit. Kunin mo ang unang isdang mahuhuli at kapag ibinuka mo ang kanyang bibig, matatagpuan mo ang isang siklo. Kunin mo iyon at ibigay mo sa kanila, para sa akin at sa iyo.”