Mateo 17:22-27
Mateo 17:22-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang magkatipon sa Galilea ang mga alagad, sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang Anak ng Tao ay pagtataksilan at papatayin, ngunit siya'y muling bubuhayin sa ikatlong araw.” At sila'y lubhang nalungkot. Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis para sa templo. “Nagbabayad ba ng buwis para sa templo ang inyong guro?” tanong nila. “Opo,” sagot ni Pedro. Nang pumasok siya sa bahay, tinanong siya ni Jesus, “Ano sa palagay mo, Simon? Sino ang dapat magbayad ng buwis sa hari ng isang bansa, ang mga mamamayan ba, o ang mga dayuhan?” “Ang mga dayuhan po,” tugon ni Pedro. Sinabi ni Jesus, “Kung gayon, hindi dapat magbayad ang mga mamamayan. Gayunman, para wala silang masabi sa atin, pumunta ka sa lawa at mamingwit ka. Kunin mo ang unang isdang mahuli mo, ibuka mo ang bibig niyon, at may makikita kang isang malaking salaping pilak. Kunin mo iyon at ibayad mo para sa buwis nating dalawa.”
Mateo 17:22-27 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Habang nagtitipon sina Hesus at ang mga alagad niya sa Galilea, sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao. Papatayin siya, ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw.” At labis itong ikinalungkot ng mga alagad ni Hesus. Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis at nagtanong, “Nagbabayad ba ng buwis para sa Templo ang inyong guro?” Sumagot si Pedro, “Oo, nagbabayad siya.” Nang makabalik si Pedro sa tinutuluyan nila, tinanong siya ni Hesus, “Ano sa palagay mo, Pedro? Kanino nangongolekta ng mga buwis ang mga hari, sa mga anak nila o sa ibang tao?” Sumagot si Pedro, “Sa ibang tao po.” Sinabi ni Hesus, “Kung ganoon, nangangahulugan na hindi kailangang magbayad ng buwis ang mga anak. Ngunit kung hindi tayo magbabayad, baka sumama ang loob nila sa atin. Kaya pumunta ka sa lawa at mamingwit. Ibuka mo ang bibig ng unang isdang mahuhuli mo at makikita mo roon ang perang sapat na pambayad sa buwis nating dalawa. Kunin mo ito at ibayad sa mga nangongolekta ng buwis para sa Templo.”

Mateo 17:22-27 Ang Biblia (TLAB)
At samantalang sila'y nangakahimpil sa Galilea, ay sinabi sa kanila ni Jesus, Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao; At siya'y papatayin nila, at sa ikatlong araw ay siya'y muling ibabangon. At sila'y lubhang nangamanglaw, At pagdating nila sa Capernaum, ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo, at nangagsabi, Hindi baga pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo? Sinabi niya, Oo. At nang pumasok siya sa bahay, ay pinangunahan siya ni Jesus, na nagsasabi, Anong akala mo, Simon? ang mga hari sa lupa, kanino baga sila nanganiningil ng kabayaran ng buwis? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba? At nang sabihin niya, Sa nangaiiba, ay sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung gayo'y hindi nangagbabayad ang mga anak. Datapuwa't, baka katisuran tayo nila, ay pumaroon ka sa dagat, at ihulog mo ang kawil, at kunin mo ang unang isdang lumitaw; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig, ay masusumpungan mo ang isang siklo: kunin mo, at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo.
Mateo 17:22-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mateo 17:22-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)