Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 14:1-7

LUCAS 14:1-7 ABTAG01

Isang Sabbath, nang pumasok si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo upang kumain, kanilang minamatyagan siya. At noon, sa kanyang harapan ay may isang lalaking namamanas. Nakipag-usap si Jesus sa mga dalubhasa sa kautusan at sa mga Fariseo, na sinasabi, “Ipinahihintulot ba o hindi na magpagaling sa Sabbath?” Subalit sila'y hindi umimik. At siya'y hinawakan ni Jesus, pinagaling, at pinahayo. At sinabi niya sa kanila, “Sino sa inyo, kung ang anak o bakang lalaki ay nahulog sa hukay, hindi ba agad ninyo iaahon sa araw ng Sabbath?” At hindi sila nakasagot sa mga bagay na ito. Nang mapansin niya na pinipili ng mga panauhin ang mga upuang pandangal; siya ay nagsalaysay sa kanila ng isang talinghaga.