Lucas 14:1-7
Lucas 14:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo, at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. Lumapit kay Jesus ang isang lalaking may manas. Kaya't tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusang Judio, “Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?” Ngunit hindi sila umimik, kaya't hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Kung ang inyong anak o ang inyong baka ang nahulog sa balon, hindi ba't iaahon ninyo ito kaagad kahit Araw ng Pamamahinga?” Hindi sila nakasagot sa tanong na ito. Napansin ni Jesus na ang pinipili ng mga panauhin ay ang mga upuang pandangal. Kaya't sinabi niya ang talinhagang ito sa kanila.
Lucas 14:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Isang Araw ng Pamamahinga, inanyayahan si Hesus na kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo. Binabantayan siyang mabuti ng mga taong kumokontra sa kanya. Doon ay may isang lalaking minamanas. Tinanong ni Hesus ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga o hindi?” Ngunit wala ni isa ang nakasagot, kaya hinawakan ni Hesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Halimbawaʼy nahulog ang inyong anak o ang inyong baka sa isang balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan nʼyo na lang ba ito? Siyempre, iaahon nʼyo agad, hindi ba?” Hindi sila nakasagot sa kanyang tanong. Napansin ni Hesus na ang mga bisita sa handaan ay nag-uunahan sa mga upuang pandangal, kaya pinangaralan niya ang mga ito
Lucas 14:1-7 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari, sa pagpasok niya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo nang isang sabbath upang kumain ng tinapay, at inaabangan nila siya. At narito, sa kaniyang harapan ay may isang lalaking namamaga. At pagsagot ni Jesus, ay nagsalita sa mga tagapagtanggol ng kautusan at sa mga Fariseo, na sinasabi, Matuwid baga o hindi na magpagaling sa sabbath? Datapuwa't sila'y di nagsiimik. At siya'y tinangnan niya, at siya'y pinagaling, at siya'y pinayaon. At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo ang kung magkaroon ng isang asno o isang bakang lalake na mahulog sa hukay, at pagdaka'y hindi kukunin kahit araw ng sabbath? At di na muling nakasagot sila sa kaniya sa mga bagay na ito. At nagsalita siya ng isang talinghaga sa mga inanyayahan, nang mamasdan niya na kanilang pinipili ang mga pangulong luklukan; na nagsasabi sa kanila
Lucas 14:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo, at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. Lumapit kay Jesus ang isang lalaking may manas. Kaya't tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusang Judio, “Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?” Ngunit hindi sila umimik, kaya't hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Kung ang inyong anak o ang inyong baka ang nahulog sa balon, hindi ba't iaahon ninyo ito kaagad kahit Araw ng Pamamahinga?” Hindi sila nakasagot sa tanong na ito. Napansin ni Jesus na ang pinipili ng mga panauhin ay ang mga upuang pandangal. Kaya't sinabi niya ang talinhagang ito sa kanila.
Lucas 14:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)