Sa panahon ng init, sila'y nawawala; kapag mainit, sila'y nawawala sa kanilang kinalalagyan. Ang mga pangkat ng manlalakbay ay lumilihis sa kanilang daan; umaakyat sila sa pagkapahamak at namamatay. Tumitingin ang mga pulutong ng manlalakbay mula sa Tema, umaasa ang mga manlalakbay mula sa Sheba. Sila'y nabigo, sapagkat sila'y nagtiwala; sila'y pumaroon at sila'y nalito. Naging ganyan kayo ngayon sa akin, nakikita ninyo ang aking kasawian at kayo'y natatakot. Sinabi ko ba: ‘Bigyan ninyo ako ng kaloob?’ O, ‘Mula sa inyong yaman ay handugan ninyo ako ng suhol?’ O, ‘Iligtas ninyo ako mula sa kamay ng kaaway?’ O, ‘Tubusin ninyo ako mula sa kamay ng mga manlulupig?’ “Turuan ninyo ako, at ako'y tatahimik; ipaunawa ninyo sa akin kung paano ako nagkamali. Napakatindi ng mga tapat na salita! Ngunit ang inyong saway, ano bang sinasaway? Sa akala ba ninyo ay masasaway ninyo ang mga salita, gayong ang mga salita ng taong sawi ay hangin? Magpapalabunutan nga kayo para sa ulila, at magtatawaran para sa inyong kaibigan. “Subalit ngayon, tumingin kayo sa akin na may kaluguran, sapagkat hindi ako magsisinungaling sa inyong harapan. Bumalik kayo, isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kamalian. Oo, kayo'y magsibalik, nakataya rito ang aking katuwiran. May masama ba sa aking dila? Hindi ba nakakabatid ng kasawian ang aking panlasa?
Basahin JOB 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOB 6:17-30
23 Araw
Sa dramang ito sa langit at lupa, nakilala natin si Job, isang mabuting tao, na pinahintulutan ng Diyos na salakayin ni Satanas; lahat ay may napakaraming katanungan sa paligid kung bakit nangyayari ang mga masasamang bagay. Araw-araw na paglalakbay sa Job habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas