at sa tag-init itoʼy natutuyo; sa init ng panahon itoʼy naglalaho. Kapag dumaan doon ang mga naglalakbay, wala silang tubig na maiinom, kaya pagdating nila sa ilang namamatay sila. Ang mga mangangalakal na nagmula sa Tema at Sheba na naglalakbay ay umaasang makakainom sa sapa, ngunit nabigo sila. Umaasa silang may tubig doon ngunit wala pala. Ang sapa na iyon ang katulad ninyo. Wala rin kayong naitutulong sa akin. Natakot kayo nang makita ninyo ang nakakaawa kong kalagayan. Ngunit bakit? Humingi ba ako ng regalo sa inyo? Nakiusap ba akong tulungan nʼyo ako mula sa inyong kayamanan, o iligtas ako mula sa kamay ng aking mga kaaway, at sagipin ako sa pagkakahawak ng mga mararahas? “Turuan nʼyo ako at kayoʼy aking pakikinggan, ipakita sa akin ang aking kamalian. Hindi baleng masakit ang sasabihin ninyo bastaʼt iyon ay totoo. Ngunit ang ibinibintang ninyo sa akin ay hindi totoo at hindi ninyo mapatunayan. Gusto ninyong ituwid ang mga sinasabi ko, dahil para sa inyo, ang aking sinasabi bilang desperadong tao ay walang kabuluhan. Bakit, kayo baʼy matuwid? Nagagawa nga ninyong ipaalipin ang isang ulila, o di kayaʼy ipagbili ang isang kaibigan! “Tingnan ninyo ako. Sa tingin ba ninyoʼy magsisinungaling ako sa inyo? Tigilan na ninyo ang paghatol sa akin, dahil wala akong kasalanan. Akala ba ninyo ay nagsisinungaling ako, at hindi ko alam kung ano ang tama at mali?”
Basahin Job 6
Makinig sa Job 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 6:17-30
23 Araw
Sa dramang ito sa langit at lupa, nakilala natin si Job, isang mabuting tao, na pinahintulutan ng Diyos na salakayin ni Satanas; lahat ay may napakaraming katanungan sa paligid kung bakit nangyayari ang mga masasamang bagay. Araw-araw na paglalakbay sa Job habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas