Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 41:1-11

JOB 41:1-11 ABTAG01

“Mahuhuli mo ba ang Leviatan sa pamamagitan ng bingwit? O mailalabas mo ba ang kanyang dila sa pamamagitan ng lubid? Makapaglalagay ka ba sa kanyang ilong ng isang lubid? O mabubutas ang kanyang panga ng isang kawit? Makikiusap ba siya ng marami sa iyo? O magsasalita ba siya sa iyo ng mga salitang malumanay? Makikipagtipan ba siya sa iyo, upang maging alipin mo magpakailanman? Makikipaglaro ka ba sa kanya na gaya sa isang ibon? O tatalian mo ba siya para sa iyong kadalagahan? Makikipagtawaran ba para sa kanya ang mga mangangalakal? Sa mga negosyante siya kaya'y paghahatian? Mahihiwa mo ba ng patalim na bakal ang kanyang balat, o ang kanyang ulo ng sa isda ay pangsibat? Pagbuhatan mo siya ng kamay; isipin mo ang paglalaban, at hindi mo na ito gagawin kailanman! Narito, ang pag-asa ng tao ay nabibigo, siya'y pinabababa kahit makita lamang niya ito. Walang napakabagsik upang mangahas na siya'y mapagalaw, sino ngayon siya na makakatayo sa aking harapan? Sinong nagbigay sa akin, na dapat ko siyang bayaran? Sa akin ang anumang nasa silong ng buong kalangitan.