Job 41:1-11
Job 41:1-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Mahuhuli mo ba ang Leviatan sa pamamagitan ng pamingwit? Maitatali mo ba ang dila nito sa pamamagitan ng lubid? Matatalian mo kaya ng lubid ang ilong nito? Tatagusan kaya ng kawit ang mga panga nito? Siya kaya ay lumapit at lumuhod sa harap mo, magsalita nang malumanay at magmakaawa sa iyo? Siya kaya'y makiusap at ikaw ay pangakuan, na sa habang buhay ikaw ay paglingkuran? Siya kaya'y parang ibong tatalian at lalaruin upang mga babaing lingkod mo ay aliwin? Tawaran kaya siya ng mga mamimili, paghatian kaya siya upang maipagbili? Tablan kaya ang makapal niyang balat, sa ulo kaya niya'y tumagos ang matulis na sibat? Hawakan mo siya kahit na minsan lang, hindi mo na uulitin dahil sa inyong paglalaban. “Ang sinumang sa kanya'y makakakita, sa lupa'y mabubuwal, nawawalan ng pag-asa. Kapag siya'y ginambala, ubod siya ng bagsik. Sa kanyang harapa'y walang nangangahas lumapit. Sinong lulusob sa kanya at hindi mamamatay? Walang makakagawa nito sa buong sanlibutan.
Job 41:1-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Mabibingwit mo kaya ang Leviatan? Matatalian mo kaya ang nguso niya ng lubid? Matatalian mo ba ng lubid ang ilong niya o mailalagay mo kaya ang kawit sa kanyang panga? Makikiusap kaya itong lagi sa iyo na siyaʼy iyong pakawalan, o di kayaʼy humiling na iyong kahabagan? Makikipagkasundo kaya siya sa iyo na magpaalipin habambuhay? Kaya mo ba siyang gawing alagang ibon, o di kayaʼy itali para sa iyong mga anak na babae? May negosyante kayang bibili sa kanya at hihiwa-hiwain siya upang ipagbili? Kaya mo bang punuin ng matutulis na sibat ang kanyang balat, o ʼdi kayaʼy bingwitin ang kanyang ulo ng pamingwit ng isda? Kapag hinawakan mo siya, maaalala mo kung gaano ito kahirap hulihin at masasabi mong hinding-hindi ka na uulit. Walang saysay ang mga pagsisikap na hulihin siya, dahil makita mo pa lang siyaʼy maduduwag ka na. Kung sa kanya ngaʼy walang mangangahas gumambala, sino pa kayang mangangahas na lumaban sa akin? Sino ang makapagsasabing may utang na loob ako sa kanya? Ang lahat dito sa mundo ay akin.
Job 41:1-11 Ang Biblia (TLAB)
Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali? Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit? Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo? Makikipagtipan ba siya sa iyo, upang ariin mo siyang alipin magpakailan man? Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga? Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal? Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal, o ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda? Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin. Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan: hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon? Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon: sino ngang makatatayo sa harap ko? Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.
Job 41:1-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Mahuhuli mo ba ang Leviatan sa pamamagitan ng pamingwit? Maitatali mo ba ang dila nito sa pamamagitan ng lubid? Matatalian mo kaya ng lubid ang ilong nito? Tatagusan kaya ng kawit ang mga panga nito? Siya kaya ay lumapit at lumuhod sa harap mo, magsalita nang malumanay at magmakaawa sa iyo? Siya kaya'y makiusap at ikaw ay pangakuan, na sa habang buhay ikaw ay paglingkuran? Siya kaya'y parang ibong tatalian at lalaruin upang mga babaing lingkod mo ay aliwin? Tawaran kaya siya ng mga mamimili, paghatian kaya siya upang maipagbili? Tablan kaya ang makapal niyang balat, sa ulo kaya niya'y tumagos ang matulis na sibat? Hawakan mo siya kahit na minsan lang, hindi mo na uulitin dahil sa inyong paglalaban. “Ang sinumang sa kanya'y makakakita, sa lupa'y mabubuwal, nawawalan ng pag-asa. Kapag siya'y ginambala, ubod siya ng bagsik. Sa kanyang harapa'y walang nangangahas lumapit. Sinong lulusob sa kanya at hindi mamamatay? Walang makakagawa nito sa buong sanlibutan.
Job 41:1-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali? Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit? Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo? Makikipagtipan ba siya sa iyo, Upang ariin mo siyang alipin magpakailan man? Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga? Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal? Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal, O ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda? Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; Alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin. Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan: Hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon? Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon: Sino ngang makatatayo sa harap ko? Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.