Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 7:1-6

JUAN 7:1-6 ABTAG01

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay pumunta si Jesus sa Galilea. Ayaw niyang dumaan sa Judea, sapagkat pinagsisikapan ng mga Judio na siya'y patayin. Malapit na noon ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga Tabernakulo. Sinabi sa kanya ng kanyang mga kapatid, “Umalis ka rito at pumunta ka sa Judea, upang makita ng iyong mga alagad ang iyong mga ginagawa. Sapagkat walang taong nagnanais makilala ang gumagawa ng anumang bagay sa lihim. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay ipakilala mo ang iyong sarili sa sanlibutan.” Sapagkat maging ang kanyang mga kapatid man ay hindi sumampalataya sa kanya. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi pa dumating ang aking oras, subalit ang inyong oras ay laging naririyan.

Kaugnay na Video