Juan 7:1-6
Juan 7:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos nito'y nilibot ni Jesus ang Galilea. Iniiwasan niya ang Judea dahil nais siyang patayin ng mga pinuno ng mga Judio roon. Nalalapit na noon ang Pista ng mga Tolda, isa sa mga pista ng mga Judio, kaya't sinabi kay Jesus ng kanyang mga kapatid, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng iyong mga tagasunod ang ginagawa mo? Walang taong naglilihim ng kanyang ginagawa kung ang hangad niya'y maging tanyag. Ginagawa mo rin lamang ang mga bagay na ito, magpakilala ka na sa sanlibutan.” Maging ang mga kapatid ni Jesus ay hindi nananalig sa kanya. Sumagot si Jesus, “Hindi pa ito ang tamang panahon; sa inyo'y maaari kahit anong panahon.
Juan 7:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos nito, nilibot ni Hesus ang Galilea. Iniwasan niyang pumunta sa Judea dahil gusto siyang patayin ng mga pinuno ng mga Hudyo roon. Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng mga Tolda, sinabi ng mga kapatid ni Hesus sa kanya, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng mga alagad mo ang mga ginagawa mo? Walang taong gumagawa nang patago kung gusto niyang sumikat. Gumagawa ka na rin lang ng himala, ipakita mo na sa lahat!” Sinabi ito ng mga kapatid ni Hesus dahil sila man ay hindi nakakaunawa kung sino siya at kung ano ang kailangan niyang gawin. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi pa ngayon ang panahon para sa akin, pero kayo, puwede nʼyong gawin kahit anong oras ang gusto ninyo.
Juan 7:1-6 Ang Biblia (TLAB)
At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Jesus sa Galilea: sapagka't ayaw siyang maglakad sa Judea, dahil sa pinagsisikapan ng mga Judio na siya'y patayin. Malapit na nga ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga tabernakulo. Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa. Sapagka't walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim, at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan. Sapagka't kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya. Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Hindi pa dumarating ang aking panahon; datapuwa't ang inyong panahon ay laging nahahanda.
Juan 7:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkatapos nito'y nilibot ni Jesus ang Galilea. Iniiwasan niya ang Judea dahil nais siyang patayin ng mga pinuno ng mga Judio roon. Nalalapit na noon ang Pista ng mga Tolda, isa sa mga pista ng mga Judio, kaya't sinabi kay Jesus ng kanyang mga kapatid, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng iyong mga tagasunod ang ginagawa mo? Walang taong naglilihim ng kanyang ginagawa kung ang hangad niya'y maging tanyag. Ginagawa mo rin lamang ang mga bagay na ito, magpakilala ka na sa sanlibutan.” Maging ang mga kapatid ni Jesus ay hindi nananalig sa kanya. Sumagot si Jesus, “Hindi pa ito ang tamang panahon; sa inyo'y maaari kahit anong panahon.
Juan 7:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)