Si Moises ay sumagot at nagsabi, “Ngunit hindi nila ako papaniwalaan o papakinggan man sapagkat kanilang sasabihin, ‘Ang PANGINOON ay hindi nagpakita sa iyo.’” Sinabi naman sa kanya ng PANGINOON, “Ano iyang nasa iyong kamay?” Kanyang sinabi, “Isang tungkod.” Kanyang sinabi, “Ihagis mo sa lupa.” Kanyang inihagis ito sa lupa at ito'y naging isang ahas. Si Moises ay lumayo sa ahas. Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay at hawakan mo sa buntot.” Kanyang iniunat ang kanyang kamay, kanyang hinawakan, at naging isang tungkod sa kanyang kamay. “Nangyari ito upang sila'y maniwala na ang PANGINOON, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob ay nagpakita sa iyo.”
Basahin EXODO 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 4:1-5
5 araw
Ang pagiging isang peacekeeper ay hindi nakapagdadala sa atin ng totoong kapayapaan dahil ang peacekeepers ay nagbibigay ng false sense of peace via avoidance. Subalit, bilang isang Kristiyano, meron kang ultimate connection sa totong kapayaan, which is Jesus. Ikaw ay isang peacemaker - ang tulay sa pagitan ni Jesus at ang mga kaibigan at pamilya mo! May abilidad kang wasakin ang conflict at i-reconcile ang mga tao kay Jesus! Alamin ang iba't ibang strategy para dito in our Peacemakers Bible Plan today!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas