Nagtanong si Moises, “Paano po kung hindi maniwala sa akin ang mga Israelita o makinig sa sasabihin ko? Sapagkat baka sabihin nila, ‘Hindi naman nagpakita ang PANGINOON saʼyo.’ ” Sinabi sa kanya ng PANGINOON, “Ano iyang hawak mo?” Sumagot si Moises, “Tungkod po.” Sinabi ng PANGINOON, “Ihagis mo sa lupa.” Kaya inihagis ni Moises ang tungkod at naging ahas ito. Napatakbo siya sa takot. Sinabi sa kanya ng PANGINOON, “Hulihin mo ito sa buntot.” Kaya hinuli ito ni Moises at muling naging tungkod. Sinabi ng PANGINOON, “Gawin mo ang himalang ito upang maniwala sila na ako ang PANGINOON, ang Diyos ng mga ninuno nilang sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa iyo.”
Basahin Exodus 4
Makinig sa Exodus 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Exodus 4:1-5
5 araw
Ang pagiging isang peacekeeper ay hindi nakapagdadala sa atin ng totoong kapayapaan dahil ang peacekeepers ay nagbibigay ng false sense of peace via avoidance. Subalit, bilang isang Kristiyano, meron kang ultimate connection sa totong kapayaan, which is Jesus. Ikaw ay isang peacemaker - ang tulay sa pagitan ni Jesus at ang mga kaibigan at pamilya mo! May abilidad kang wasakin ang conflict at i-reconcile ang mga tao kay Jesus! Alamin ang iba't ibang strategy para dito in our Peacemakers Bible Plan today!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas