Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 13:1-5

DEUTERONOMIO 13:1-5 ABTAG01

“Kung may lumitaw sa inyo na isang propeta, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at bigyan ka niya ng isang tanda o kababalaghan, at ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kanyang sabihin sa iyo, ‘Sumunod tayo sa ibang mga diyos,’ na hindi mo kilala, ‘at ating paglingkuran sila,’ huwag mong papakinggan ang mga salita ng propetang iyon, o ng mapanaginiping iyon sapagkat sinusubok kayo ng PANGINOON ninyong Diyos, upang malaman kung iniibig ninyo ang PANGINOON ninyong Diyos ng inyong buong puso at kaluluwa. Kayo'y lalakad ayon sa PANGINOON ninyong Diyos, at matatakot sa kanya, tutupad ng kanyang mga utos, susunod sa kanyang tinig, maglilingkod sa kanya, at mananatili sa kanya. At ang propetang iyon o ang mapanaginiping iyon ay papatayin, sapagkat siya'y nagsalita ng paghihimagsik laban sa PANGINOON ninyong Diyos na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, at tumubos sa iyo sa bahay ng pagkaalipin, upang iligaw ka sa daan na iniutos ng PANGINOON mong Diyos upang iyong lakaran. Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.