Subalit hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na inyong igalang ang mga nagpapagal sa inyo, at namumuno sa inyo sa Panginoon at nagtuturo sa inyo; at lubos ninyo silang igalang na may pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't isa. Mga kapatid, aming isinasamo sa inyo, na inyong pangaralan ang mga tamad, palakasin ang mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging matiisin kayo sa lahat. Tiyakin ninyo na ang sinuman ay huwag gumanti ng masama sa masama, kundi lagi ninyong naisin ang mabuti para sa isa't isa at sa lahat. Magalak kayong lagi. Manalangin kayong walang patid. Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo. Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu. Huwag ninyong hamakin ang mga pagpapahayag ng propesiya, kundi subukin ninyo ang lahat ng mga bagay; panghawakan ninyo ang mabuti. Layuan ninyo ang bawat anyo ng kasamaan. Pakabanalin nawa kayong lubos mismo ng Diyos ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
Basahin I MGA TAGA TESALONICA 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I MGA TAGA TESALONICA 5:12-24
5 Araw
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.
14 Araw
“Narinig mo ba na babalik si Jesus?”—iyan ang paalala sa unang liham na ito sa mga taga-Tesalonica, na humahamon sa lahat na “magpakahusay pa” sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Tesalonica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas