Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Taga-Tesalonica 5:12-24

1 Mga Taga-Tesalonica 5:12-24 ASD

Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na pahalagahan ninyo ang mga naglilingkod sa inyo na pinili ng Panginoon upang mamuno at mangaral sa inyo. Ibigay nʼyo sa kanila ang lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa gawain nila. Mamuhay kayong may mabuting pakikitungo sa isaʼt isa. Nakikiusap kami sa inyo, mga kapatid, na pagsabihan nʼyo ang mga tamad. Palakasin ang mga mahihina sa pananampalataya nila. Maging mapagpasensya kayo sa lahat. Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat. Palagi kayong magalak, palaging manalangin, at magpasalamat kayo sa lahat ng pagkakataon, dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo Hesus. Huwag ninyong hadlangan ang Espiritu, at huwag ninyong hamakin ang mga propesiya. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat upang malaman kung galing ito sa Diyos o hindi. Panghawakan ninyo ang mabuti, at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan. Pakabanalin nawa kayong lubos ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawaʼy panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong pagkatao; ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo, at gagawin niya itong mga sinasabi namin.