Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 5:5-11

Mateo 5:5-11 TLAB

Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa. Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin. Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan. Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios. Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios. Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 5:5-11